Eavesdropping
After the incident, we decided to convince Tita Elena na huwag na lang mag pahatid ng pagkain, sayang lang sa gas, at mapapagod lang ang driver, at lalo lang kaming nagugutom ni Bright. She didn't like it pero pumayag na din after tito agreed.
After our classes we decided to call it a rest day but I did my own projects anyway.
Pero sadyang sutil ito si Bright at gustong gumawa ng kung ano- anong nakalilibang, pero, god knows na hindi lang libang ang dala saamin nito!
It's a lot of trouble!
"Oh, Come on! Please!" She pleaded with those puppy eyes. Pabiro akong umirap at nginusuan siya.
Hindi ko talaga alam kung bakit hindi siya nauubusan ng enerhiya, we've spent a lot of time studying. And I'm almost drained dahil sa dami ng inaral ko. Pero, there she is, parang walang kapaguran.
Goodluck nalang talaga sa magiging boyfriend ni Bright!
I kind of chuckled and continued leaning on the table.
"What's funny?" Tanong ni Bright. Umiling na lamang ako.
Pabiro naman itong sumimangot. I let out a soft sigh and tried to ignore her.
"Ugh! Fine," Pag payag ko.
"Yes!" Mistulang nasagot naman ang kaniyang mga panalangin kung maka-ngiti ito.
"So, first," She started "Punta muna tayo kay Dad. Mag papaalam tayo na mag s-shopping lang, But like planned, alam mo na." Ngumisi naman ito sa akin. Nasapo ko ang aking ulo dahil rito. Good grief!
Umirap ako at tumango. "And then, we'll ditch our driver! Alam naman nating matanda na si Manong. Makakalimutin, and besides Dad won't fire him. He's our old driver you know." She explained, I groaned and protested a little but nodded along. She has the most insane plans ever.
"Pero, Delikado. It's also about your safety naman." Paalala ko sakaniya, umiling naman ito at hindi ako pinansin.
"Trust me, safe iyon! Now, deal?" She asked. Napalunok naman ako ngunit tumango na lamang, pakiramdam ko parin ay mali ito! She can be attacked anywhere, delikado at public place ang pupuntahan namin!
"But, still-" Bago ko pa mapagpatuloy ang sasabihin ay ngumiwi ito at hinampas ng kaunti ang balikat ko, hinawakan nya ang aking braso at pinispis ito. Tila ba sapat na iyon para makumbinsi ako.
"Nope. No more buts! Let's have fun, please!" Untag niya. I clicked my tongue and shook my head.
Katulad ng plano namin, pumunta kami sa office ni tito Krilesto,
Malawak ang espasyo ng bahay nila kaya't posible ring maligaw ang mga bisita. It's more like a mansion, gusto ko rin ng ganitong bahay ngunit mas modern ang itsura, maybe, I can hire someone to design it for me someday.
"Dad," Tumawag naman sa ama si Bright bago kumatok ulit.
Ilang sandali ay bumukas ang pinto, bumungad sa amin si Tito at binigyan kami ng matamis na ngiti.
Tito looks more welcoming than his son na mukhang galit sa mundo, well, hindi naman siguro palaging galit, pero laging suplado ang mga mata nito.
I think even if he ever tries to look soft, mag mumukha parin itong suplado! He's not even trying to be intimidating, pero ganap na ganap na siya!
Sa tingin ko ay hindi ko siya makakasundo.
"Yeah, Bri?" Her dad asked, May hawak naman itong telepono sa kanyang kanang kamay, sinenyasan naman niya kaming pumasok sa loob ng kwarto.
Marahan kaming nag lakad at umupo sa couch.
"Dad, Nari and I will go shopping." Paalam niya. Walang bahid ng kasamaan o kademonyohan sa boses niya, no signs of ditching their old driver or something. Very innocent. Little do they know?
I grinned to suppress my smile, I almost chuckled because of my own thoughts. Tumingin naman si Tito Krilesto sa akin.
I cleared my throat and nodded. "Yes, tito. If that's okay," Wala sa sarili kong sambit at tumikhim ulit.
Tito clicked his tongue before looking at us.
"I'm not very sure if it's already safe, But, okay. Basta kasama niyo ang security-"
Sumimangot naman si Bright dahil roon, she pouted and groaned. And she's even nagging her father!
"No, dad! Ayaw ko!" Ani Bright.
"Brighlaint," Mariin na awat ni tito sa anak. "You know your mom will kill me kapag may nangyari sainyo—" Hindi naman tumigil si Bright at sumabat agad.
"Please, Dad?" She grunted and begged at the same time.
Nasapo ni tito ang kanyang sentido at huminga ng malalim bago tumango. Tila walang kalaban-laban sa nag iisang babae na anak.
"Alright, Alright. But, Aasahan ko na hindi na ito makakarating sa mom mo? Okay?"
"Yes! Thanks, Dad!" Lumiwanag ang mukha ni Bright dahil sa sinabi ni Tito. Gusto kong matawa sa mga nangyayari. Pero sumagi sa isipan ang kaunting kaba. Paano kung mahuli kami? Or worse may masamang mangyari?
"Okay, Ingat kayo." Sabi ni tito.
At agad din kaming nag handa para umalis. Saktong nag lalakad ako sa labas padaan sa isang malaking silid na puno ng libro, library, it's like an office pero more on books. I've seen it noong walang tao, at nag ikot-ikot ako.
Bahagya akong nag dahan-dahan sa pag lalakad nang makita kung sinong nakaupo sa may desk. It's Riel. In his simple and usual dark faded jeans and white v-neck shirt.
Naagaw din nito ang aking atensyon dahil sa nakalapag sa kanyang lamesa. It's a blueprint. Oh, work duties.
Didiretso sana ako pero mayroong tumunog sa kanyang bulsa. Agad niya itong sinagot. Ayaw ko sanang makinig ngunit... mas nanaig ang pagka-kuryoso ko at nanatili pa ako.
"Hello." He said coldly to the phone.
Ilang sandali akong nag hintay ng sasabihin niya.
"Yes, Dad. I'll take care of it." I heard him say.
Agad din na nag hari ang katahimikan sa buong silid. Naisipan kong umalis na dahil baka mapag initan nanaman ako at matawag na stick!
Hiyang hiya naman ako!
Maybe his type in women are quite wild.
Maybe he likes women with big boobs and curvy waist!
Medyo naiba ang mood ko dahil sa mga iniisip. Ano pa nga ba? Men with their usual taste. But whatever. Wala naman akong pakialam sakaniya.
Isang hakbang pa ay sakto naman ang pagka-dapa ko. Fuck!
Halos masambit ko na lahat ng mura sa mundo.
Wrong timing naman ang pagkalampa ko! Mahuhuli pa yata akong nakikinig sa mga phone calls niya! At baka isipin niya in-istalk ko siya!
What?! No way!
Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang umupo. Bwiset naman, oh!
Now, he'll have new ideas. He might think the wrong way! Baka akala niya ay nakiki-osyoso ako sa mga ginagawa niya. Hindi, no!
Narinig ko siyang tumikhim. Nag patay malisya naman ako na parang walang nangyari.
Hi, Riel. Nadapa lang naman ako. Dumadaan lang. accidentally stumbled here, I heard nothing. None. Nada.
Napalunok naman ako nang marinig ang mga yapak niya, at ilang sandali pa ay nasa harap ko na siya, mga mata ay nang huhusga at malamig na nakatitig sa akin. Umirap pa nga ito! Tangina!
"Watch your steps, and stop eavesdropping." He said with a hint of irritation etched in his voice. Napasinghap naman ako dahil rito.
I wasn't expecting that kind of insult from anybody, at totoo naman na narinig ko nga ang kanina, pero wala parin siyang karapatan mang bintang!
Sa sobrang asar ay agad akong tumayo at marahas na inayos ang dress na suot ko, the strap loosened a little dahil sa pagkadapa ko. Inayos ko ito kaagad.
"I was just walking. Natisod lang ako ng kung ano kaya ako nadapa. And wala akong alam sa sinasabi mo." I confidently lied
Tuluyan na nga akong lumampas sa kinatatayuan niya, my shoulder slightly brushed at bahagyang nabangga ang kanya. Parang wala lang naman sakanya iyon. I rolled my eyes again.
Damn him and his phone calls! I don't care! Damn it! I don't want to be on good terms with him anymore! Ayaw ko na siyang maging kaibigan, or whatever!
Dumiretso na nga ako sa kuwarto ni Bright upang isagawa na ang plano namin, sana naman ay umalis na ang kapatid niya!
Puro stress na nga sa acads ko, dadagdag pa siya? Isa pa ang mga hayup ko na professor, maayos naman ang iba, ngunit karamihan ay hindi prupesyunal.
Some doesn't teach and have guts to give us surprise quizzes saying they've discussed those random lessons in their class already. Discuss their ass!
"Let's go!" Bright exclaimed while gesturing me to follow her. I sighed before following her. Nabulabog naman ang isipan ko at napatigil sa pag lalakad, napatingin ako sa isang bahagi ng mansyon. There's an unfamiliar car outside. Winahi ko ang kurtina at minasdan pa ito.